‘Wine kiss’ ng Dong-Jen sa ‘DOTS’ trending; fans walang paki kina Marian at Dennis
KILIG overload talaga ang hatid nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado gabi-gabi sa GMA Telebabad series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
Walang pakialam ang Kapuso viewers kung may Marian Rivera na si Dingdong at Dennis Trillo si Jen, basta ang mahalaga sa kanila ay ang mga pampa-good vibes at pakilig na eksena nina Maxine at Lucas. Grabe ang reaksyon ng manonood nang sa wakas ay mag-kiss na ang dalawa matapos magkatampuhan.
Dinepensahan kasi ni Doc Maxine si Lucas matapos suspendihin ni Col. Bienvenido Garcia (Antonio Aquitania) dahil sa kanilang engkuwentro laban sa kampo ni Alif Fayad (Addy Raj). Pero sa halip na matuwa, nagalit pa si Lucas na mauuwi sa kanilang tampuhan.
Pero sa kanilang intimate moment na isa pa rin sa mga iconic scene sa original DOTS, ang “wine kiss”, hindi na napigilan ng dalawa ang kanilang damdamin at naglapat na nga ang kanilang mga labi.
Narito ang ilang comments ng mga adik sa DOTS.
“I’m amused at the tweets that are surprised @ Dong & Jen’s chemistry. May Marian si Dong, may Dennis si Jen. I believe it’s called acting & being good at it. AND, that actors don’t need to be in love teams to make it work.”
“I’m amazed at how they make me kilig and hampas my husband everytime me scene sila, that’s called acting ang chemistry
Therefore, let’s have new tandems & enough w/ loveteams.”
“DOTS PH adaptation …. YUP! bet ko yung adaptation ng GMA… They really did a good job giving justice to memorable scenes, may kilig factor din.”
Pati ang leading Korean pop culture blog site sa bansa, ang Annyeong Oppa, ay bilib na bilib sa ganda ng Pinoy version ng DOTS, “Catching up with the latest episodes of Descendants of the Sun
PH Remake. Beeeees! It was sooo good! Kudos to @gmanetwork for bringing back our feels especially sa scene na ito! [clapping hands emojis].”
Sa pinaaga nitong timeslot na 7:45 p.m., mas marami nang nakakapanood sa epic love story nina Cpt. Lucas at Dr. Maxine na binansagang “Team Katol,” pati na ng forbidden relationship nina TSg. Diego (Rocco Nacino) at Cpt. Moira (Jasmine Curtis) na tinawag namang “Team Hopia” ng netizens.
In fact, hindi nawawala ang Kapuso series sa nationwide daily trends ng Twitter simula noong umere ito sa telebisyon noong Feb. 10. Ayon sa netizens, major feels ang hatid ng DOTS PH dahil sa mga iconic scenes nito na hango sa original version. Kaya patuloy na tumutok sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) after 24 Oras sa GMA 7.
Samantala, kasabay naman ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA, handog ng network ang mas pinadaling pagsubaybay sa DOTS dahil maaari n’yo nang mapanood ang full episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app para laging updated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.