SWS: Robredo, Sotto, Cayetano tumaas ang rating
TUMAAS ang satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na ginawa noong Disyembre, 59 porsyento ang nakuhang satisfaction rating ni Robredo mas mataas sa 56 porsyento na naitala nito noong Setyembre. Ang kanyang dissatisfaction rating ay nanatili naman sa 23 porsyento at ang undecided ay 17 porsyento mula sa 19. Ang net rating ay 36 porsyento.
Si Sotto naman ay tumaas ng isang porsyento at naitala sa 73 porsyento. Ang kanyang dissatisfaction rating ay 10 porsyento at ang undecided ay 16 porsyento. Ang net rating ay 62 porsyento.
Tumaas naman si Cayetano ng apat na porsyento at naitala sa 67 porsyento mula sa 64. Ang kanyang dissatisfaction rating ay 15 porsyento at ang undecided ay 17porsyento. Ang net rating ay 53 porsyento.
Sa unang pagkakataon ay nakasama naman si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nakapagtala ng 40 porsyentong satisfaction rating, 19 porsyentong dissatisfied at 31 porsyentong undecided.
Ang Senado naman ay nakapagtala ng 73 porsyentong satisfaction rating at 11 porsyentong dissatisfaction rating (62 porsyentong net).
Ang Kamara de Representantes naman ay 63 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 24 porsyentong undecided (51 porsyentong net).
Ang Korte Suprema ay nakapagtala naman ng 62 porsyentong satisfied, 13 porsyentong dissatisfied at 24 porsyentong undecided (net rating na 49 porsyento).
Ginawa ang survey mula Disyembre 13-16 at kinuha ang opinyon n 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.