ISANG mananaya sa Antipolo City ang nanalo ng P72.3 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 08-13-36-22-04-03.
Nanalo naman ng tig-P29,210 ang 36 mananaya na nakalimang numero.
Tig-P490 naman ang 1,696 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 28,016 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending