Mommy Dionisia: Mahirap ako pero nagtrabaho para may mapakain sa mga anak ko | Bandera

Mommy Dionisia: Mahirap ako pero nagtrabaho para may mapakain sa mga anak ko

Ervin Santiago - March 02, 2020 - 12:35 AM

PATOK na patok sa madlang pipol ang pa-house tour ni Jinkee Pacquiao sa bahay ng biyenan niyang si Mommy Dionisia Pacquiao sa General Santos City.
Nag-post ng video sa YouTube ang misis ni Sen. Manny Pacquiao kung saan mapapanood ang pag-iikot nito sa “forever house” ni Mommy D na kung tawagin nila ay “House of Mama.”

Makikita sa vlog ni Jinkee ang koleksyon ni Mommy Dionisia ng iba’t ibang klase ng figurine, dolls at mga tableware.

Ayon kay Mommy D ingat na ingat siya sa kanyang mga antique na maayos niyang naitago after so many years. Ito’y bilang paalala raw sa mga sakripisyo niya para sa mga anak noong mga panahong walang-wala pa sila sa buhay.

Sey ng nanay ni Pacman, “Ito (mga tableware) ang memorable nu’ng mahirap pa ako. Hindi ko talaga ito ni-let go, no’ng mahirap ako ito ang souvenir ko.

“Mahirap ako pero marunong ako maghanapbuhay para may mapakain ako sa mga anak ko, para ‘di sila mahirapan.

“Tingnan mo, kahit wala na silang tatay, malulusog ang mga katawan ng mga anak ko. Ako lang ang hindi nabigyan ng government ng mga rasyon ng mga pang-vitamin sa bata, mga gatas.

“Sabi ko, ‘Doc, ‘di ako binigyan ng ganyan.’ Sagot niya, ‘Huy, overweight na ang mga anak mo. Tamang-tama ang pag-aalaga mo sa anak mo,” kuwento ni Mommy Dionisia.

Bukod sa kanyang collection, ipinakita rin ni Mommy D ang kanyang mini-chapel at ang kanyang closet kung saan makikita ang kanyang collection ng sapatos na ginagamit daw niya sa pagbo-ballroom dancing.

* * *

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending