Baguhang sexy star palaban; handang gawin lahat para sumikat | Bandera

Baguhang sexy star palaban; handang gawin lahat para sumikat

Reggee Bonoan |March 01,2020
facebook
share this

Baguhang sexy star palaban; handang gawin lahat para sumikat

Reggee Bonoan - March 01, 2020 - 12:15 AM

PALABAN ang baguhang sexy star na bagong tuklas ng TV network. Handa siyang gawin lahat para makilala at sumikat.

In fairness okay naman ang baguhang sexy star at base sa panayam namin sa kanya ay mabait naman at mukhang sincere naman sa kanyang pinagsasabi.

Naalala tuloy namin ang dating sexy actress na alaga rin ng TV network na nag-lie low sa showbiz ng ilang taon pero magbabalik na raw one of these days.

Halos pareho ang ipinakitang ugali ng dating sexy actress at baguhang sexy star noong nagsisimula palang siya. Kaso nu’ng nakilala na ang dating sexy star ay biglang nagbago ang ugali at naging pasaway na rin.

Ilang taon ding ninamnam ng dating aktres ang kasikatan at tila na-burnout kaya nagpahinga at nag-enjoy sa isang lugar kung saan siya namalagi hanggang sa makabalik na nga ng Manila at nagpaparamdam na ulit sa dati niyang network.

Sabi ng aming source, “Nagparamdam na nga siya, may inalok sa kanya hindi pa siya sumasagot kaya waiting sa kanya ‘yung indie director.”

Tinanong namin kung sino ang mas malakas ang sex appeal, ang dating sexy actress o ang bagong tuklas nila ngayon.

“Pareho namang sexy, pero iba talaga ang dating ni ____ (dating sexy actress), ang lakas ng appeal ngayon kahit medyo nag-gain ng weight. Itong baguhan okay din naman,” sagot ng aming source.

Base rin sa ibang tinanungan namin tungkol sa dalawang sexy star ay mas gusto nila ‘yung dati dahil mata pa lang ay umaapaw na ang sex appeal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending