Nahihiya sa failed relationship | Bandera

Nahihiya sa failed relationship

Beth Viaje - February 28, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Magandang araw po. Tulungan po ninyo ako. May anim na taon na po akong hiwalay sa asawa ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makarecover sa failed relationship.
Naiinggit ako sa mga kapatid ko na puro perfect ang pamilya nila. Kaya po pag may mga family gatherings hindi na ako sumasama dahil nahihiya ako kasi ako lang ang walang asawa, naawa ako sa mga anak ko. Sila lang ang walang tatay.
Gusto naman pong bumalik ng mister ko, pero ayaw ko Rin kasi nga, may iba na siyang pamilya. Pero sa totoo lang, mahal ko pa siya, at mahal pa raw niya ako. Anong gagawin ko? Help me naman.
Thanks.
Elaine, Albay***
Pasintabi lang, Elaine ha, pero juiceko naman, six years yung sinayang mo sa hindi pakikipag relasyon sa mga kamag-anak mo dahil lang sa babaero mong asawa?
Hindi naman ikaw lang ang unang babae sa Pilipinas o sa Albay na unang napahiwalay sa asawa, uuutttaaannnggg na loobbb!!!
Sa pag iwas mo sa mga perfect mong kamag-anak, gumanda ba pakiramdam mo? Umayos ba pamilya ninyo? Naresolba ba kawalan ng ama ng mga anak mo?
On the other hand, you denied yourself the chance na matulungan ng pamilya mo emotionally. Nadeny mo ang mga anak mo na makakita ng father image sa mga tiyo at lalaking kamag anak nila. Halerrr!
It takes a village to raise up a child, ever heard of it?!
Ikaw lang walang asawa sa mga gathering? Mas gusto mo bang may kasama kang asawa sa mga family gatherings na may asawa pang iba?
Gustong bumalik ng asawa mo? E, di tanggapin mo, tutal mas mahalaga naman sa yo yung image na may asawa ka at may tatay ang mga anak mo kesa sa katotohanang niloloko nya ang dalawang babae sa buhay niya dahil hinahayaan ninyo.
Balikan mo para may maisama ka na sa mga family gatherings at may mapakilalang tatay ang mga anak mo tutal for six long years yun naman ang obsession mo, di ba?
Mahal ka niya? So bakit di niya maiwan yung isa? Mahal mo sya? E, yung sarili mo mahal mo? Nirerspeto mo?
Six years di ka maka move on sa failed relationship ninyo…kesa maawa ka sa sarili mo dahil imperfect yung pamilya mo sana ginamit mo na yung panahon na yun para mapabuti ang sarili mo, maturuan ang mga anak mo ng leksyon sa broken family nyo at ma rekindle ang relasyon mo sa mga kapamilya at kapatid mong me mga perfect family na OA na kinaiinggitan mo!
Ay juiceko, ang sakit sa bangs ng drama mo ha. Sorry ha, hindi ako ang pa tweetums na maghahagod ng likod mo at magpapahid ng luha mo pagka ganyan ang pananaw mo sa buhay.
Kung malapit ka nga lang ititirintas ko yng buhok mo sa kili kili at sabay sabay na bubunutin, baka sakaling matauhan ka at ‘wag ng mag 7th anniversary sa pagkaawa mo sa sarili mo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending