Media personality tirador ng intern | Bandera

Media personality tirador ng intern

Den Macaranas |February 28,2020
facebook
share this

Media personality tirador ng intern

Den Macaranas - February 28, 2020 - 12:15 AM

KILALANG tirador ng intern ang isang kilalang media personality.
Sa tagal niya sa industriya ay ilang mga student trainees na rin ang kanyang nabola.
Pero bukod sa mga student-trainees ay kilala rin siyang kilabot ng mga network staff kahit na ba sabihing mukha siyang mascot sa harap ng telebisyon.
Pero kamakailan ay muntik nang malagay sa alanganin ang pangalan ng ating bida dahil muntik na siyang ireklamo sa network ng boyfriend ng estudyante na kanyang nabingwit.
Kundi lamang sa pamamagitan ng areglo malamang ay naisapubliko ang kalokohan ni Sir na ibang-iba naman sa kanyang personahe bilang isang mediaman.
Dati ko na rin siyang naisulat sa aking column nang kanyang ipa-harass sa mga kaibigang pulis ang isang kapwa niya empleyado sa kanilang broadcast network.
Nagsimula ang gusot nang gawing motel ng mga kaibigan ng girlfriend ni Sir ang townhouse unit na pag-aari rin ng isa pang mamamahayag.
Nang magkabistuhan ay ipinahamak ni Sir ang kanyang kabaro at piniling kampihan ang kanyang girlfriend na kalaunan ay ipinagpalit rin siya sa isang mas gwapo at mas mukhang taong empleyado rin sa kanilang network.
Ang bida sa ating kwento na muntik mapahamak dahil gwapong-gwapo sa kanyang sarili ay si Mr. A….as in Arnibal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending