outbrain

Sey mo Mommy Divine: Matteo, Sarah sweet na sweet na nagsa-shopping ng mga gamit sa bahay

By Ervin Santiago February 27,2020
share this

Sey mo Mommy Divine: Matteo, Sarah sweet na sweet na nagsa-shopping ng mga gamit sa bahay

By Ervin Santiago February 27,2020
share this

NAGSIMULA nang mag-shopping ang bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng mga gamit sa kanilang love nest.

Sweet na sweet sina Mr. & Mrs. Guidicelli habang naglilibot sa isang kilalang shopping mall.

Sa Instagram video na ipinost ni Vicki Belo, makikita sina Sarah at Matteo na nag-iikot sa isang bahagi ng mall. Sinamahan nina Vicki at anak na si Scarlet Snow ang Ashmatt sa pagpili ng mga glassware.

“Doing normal husband and wife duties,” ang caption ng asawa ni Hayden Kho sa kanyang IG post. May litrato ring ibinahagi ang celebrity doctor kung saan makikita ang bagong kasal na nakikipagkulitan kay Scarlet Snow.

Sa video, maririning si Vicki na nagtanong sa mag-asawa ng, “What are we looking for?” Na sinagot naman ni Matteo ng “Shopping…”

Hirit uli ni Vicki “Shopping for the house.” Tugon naman ng controversial actor, “Shopping for the wife” sabay halik kay Sarah.

Sabi pa ng celebrity dermatologist, “@scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much Matteo though is so sweet and patient with her.”

Sa huli, ibinahagi ni Vicki kung ano ang wish ni Matteo para sa kanyang misis, “He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world.”

Naganap ang secret wedding nina Sarah at Matteo nitong nagdaang Feb. 20. Hindi sana mabubuking ng publiko ang kasalan kung hindi kumalat ang balitang sinuntok umano ni Matteo ang bodyguard ng Popstar Royalty sa mismong wedding reception nang isumbong nito kay Mommy Divine ang nagaganap na kasalan.

Mariin namang pinabulaanan ng aktor ang ibinibintang sa kanya ng bodyguard, “That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never punched anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family. In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support! Again, from the deepest part of our hearts thank you!” ang bahagi ng Instagram post ni Matteo ilang araw matapos ang kasal nila ni Sarah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending