Diether balik-ABS-CBN, napalaban sa matinding sex scene | Bandera

Diether balik-ABS-CBN, napalaban sa matinding sex scene

Reggee Bonoan |February 28,2020
facebook
share this

Diether balik-ABS-CBN, napalaban sa matinding sex scene

Reggee Bonoan - February 28, 2020 - 12:05 AM

DIETHER OCAMPO AT NATHALIE HART

Nasimulan na naming panoorin ang iWant digital movie na “Sunday Night Fever” na pinagbibidahan nina Diether Ocampo, Nathalie Hart at Ricky Davao. Love scene kung love scene si Nathalie sa dalawa niyang leading man.

Isang chef si Diether sa kilalang hotel kung saan laging kumakain sina Nathalie at ang boyfriend nitong si Ricky. Hindi nila alam parati silang pinanonood ni Diet mula sa kanyang unit gamit ang mahabang telescope. Habang nagse-sex sina Ricky at Nathalie ay dalang-dala naman si Diether at nai-imagine na siya ang kapiling sa kama ni Nathalie.

Sadista si Ricky sa kuwento pero mahal talaga niya si Nathalie, binantaaan niya ito na walang ibang lalaking makakaangkin sa kanya kundi siya lang. Nasasakal na ang dalaga at gusto nang iwan ang boyfriend na hindi pa rin siya niyayang pakasal. Sunud-sunuran lang siya sa lalaki dahil bukod sa mga luho niya, sustentado rin nito ang kanyang buong pamilya.

Isang gabing problemado si Nathalie ay kumatok siya sa kuwarto ni Diether at nangyari na nga ang dapat mangyari. Hanggang dito pa lang ang napanood namin pero sa bagong trailer na napanood namin ay nahuli na sila ni Ricky.

Samantala, isa pang mapangahas na mga kuwento rin ang tampok sa erotic-drama anthology series na “Hush”, ang Xcammer, kung saan bida sina Albie Casiño at Thamara Alexandria na napanood noon sa Bagman. Kuwento ito ng isang online scammer na pipiliting makawala sa isang sindikato gamit ang kanyang alindog. Ngunit mauudlot ang mga plano niya kapag nahulog na ang loob niya sa isang misteryosong maginoo.

Bibida naman sina Vance Larena at Abi Kaseem sa “Engkanto” episode kung saan makikipagtagpo ang isang mahiyaing babae sa isang engkanto dahil sa takot nitong hindi na napapasaya ang asawa.

Mapapanood ang “Hush” at “Sunday Night Fever” sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending