Cayetano gusto umanong paagahin ang pagbaba
MAYROON umanong hakbang upang mapaaga ang pagtanggal kay Speaker Alan Peter Cayetano.
At ngayong araw ay itinuro ni Cayetano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nasa likod ng ouster plot laban sa kanya.
“Nangangako ng pondo at chairmanship, at ‘yong iba siya mismo kausap, ‘di ba? But as I said, ‘pag nahuli ano pa ba sasabihin?” ani Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na mayroon ng mga pinapangakuan ng chairmanship at mga proyekto ang kampo ni Velasco kapag ito ay nakaupo sa puwesto.
“Normal naman ‘pag nahuhuli, nagde-deny. But unless about 20 congressmen are lying to me that pinapangakuan ng chairmanship at sinasabi na, ‘Next year, it’s my budget. Ako na magdidikta kung kanino ibibigay’ etcetera, etcetera, and I don’t think naman mang-iintriga ang 20 congressmen,” ani Cayetano.
Alinsunod sa sinabi ni Pangulong Duterte si Cayetano ay uupo ng 15 buwan at papalitan ni Velasco na uupo ng 21 buwan.
Bago ang panayam kay Cayetano ay naglabas ang kampo ni Velasco ng statement at itinatanggi na pinangungunahan nito ang isang ouster plot.
“Up to this day, I continue to honor the term-sharing agreement brokered by no less than President Rodrigo Duterte when the 18th Congress convened in July 2019. From the beginning, I never had any intention of reneging on this agreement. Tayo po ay lalaking may isang salita.”
Isa sa isyu na ginagamit kay Cayetano ang mabagal umanong pag-aksyon ng Kamara de Representantes sa renewal ng prangkisa at ang 2020 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.