outbrain

Hiling nina Jane at RK sa manonood ng Us Again: Sana po no spoilers muna

February 27,2020
share this

Hiling nina Jane at RK sa manonood ng Us Again: Sana po no spoilers muna

February 27,2020
share this

JANE OINEZA AT RK BAGATSING

NAKIUSAP ang lead stars ng “Us Again” na sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa mga nakapanood na ng pelikula na huwag munang mag-post sa social media tungkol sa twist at ending ng kuwento.

Napanood na namin ang movie na directorial debut ni Joy Aquino under Regal Entertainment sa ginanap na premiere night sa SM Megamall cinema 7. Siyempre, present sina RK at Jane na tuwang-tuwa sa mga positive comments ng audience lalo na sa madadrama nilang mga eksena.

Dinaluhan ito ng iba pang members ng cast kabilang na sina Showtime Bida Man winner Jin Macapagal, Sarah Edwards and Miko Gallardo. Sinuportahan din si RK ng kanyang kapatid na si Raymond Bagatsing at ng kaibigan ni Jane na si Jerome Ponce.

Ginagampanan ni RK sa “Us Again” ang karakter ni Mike, isang aspiring artist na mai-in love sa hospital staff na si Marge (Jane) – ang BFF ng kanyang girlfriend (Sarah Edwards). Nu’ng una ay ayaw pang pumayag ni Marge na maging sila ni Mike dahil nga marami silang sabit, pero mas nanaig ang pagmamahal niya sa BF ng kanyang best friend na si Ana.

Naku, habang pinanonood namin ang pelikula talagang na-bad trip kami kay Jane dahil sa pang-aagaw niya sa dyowa ng BFF niya. As in minumura na namin sila ni RK dahil sa ginawa nilang pagtataksil sa kabila ng kabaitan ni Ana. Ha-hahaha! Pero habang tumatagal, maiintindihan mo rin kung saan sila nanggagaling at kung bakit mas pinili nila ang magmahalan kahit may nasasaktan sila.

Panalo rin ang love scene nila na pinalakpakan at tinilian pa ng kanilang fans. Pero ang isa sa mga nagmarka sa amin ay ang eksena kung saan nalaman na ni Marge ang katotohanan. At ito nga ang ipinakiusap ng dalawang bida sa movie na sana’y iwasan muna ng mga nakapanood na mag-post sa social media ng tungkol sa twist at ending ng “Us Again.”

Sabi ni RK, “Ang hinihiling namin, sana kapag napanood n’yo tulungan n’yo po kaming mag-promote pero sana yung istorya walang spoilers para mabigyan natin ng pagkakataon yung iba na maramdaman din kung ano yung na-feel natin habang sinusubaybayan ang journey nina Marge at Mike. Sana no spoilers sa lahat.”

Kuwento naman ni Jane nang makausap namin after ng premiere night, super happy siya sa mga comments ng viewers, “First time ko ring mapanood ng buo talaga. Kinikilig ako na nakaka-affect kami in a good way sa kanila kasi nakaka-trigger ng emotions. Dito expect the unexpected kasi. Sa sobrang excited ko nga pigil na pigil ako magkuwento, eh. Pero gusto ko na talaga i-share. Hahahaha!”

Tungkol naman sa halikan at love scene nila ni RK sa movie, feeling ng dalaga handang-handa na siyang mag-level up, “Siguro kagaya naman ng lagi kong sinasabi ready naman ako sa kahit ano. Inaantay ko lang yung project na dumating. Pero kahit anong ibigay gagawin ko at kakayanin ko.”

Showing na sa mga sinehan ngayon ang “Us Again” kaya watch na para malaman n’yo na rin kung ano ang itinatagong “sikreto” ng pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending