outbrain

Duterte madaming trabaho kaya bigong makapunta sa burol ng ina ni VP Robredo

By Bella Cariaso February 26,2020
share this

Duterte madaming trabaho kaya bigong makapunta sa burol ng ina ni VP Robredo

By Bella Cariaso February 26,2020
share this

SINABI ng Palasyo na maraming trabaho si Pangulong Duterte kayat hindi na mapupuntahan ang burol ng ina ni Vice President Leni Robredo na si Salvacion Gerona,

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na siya na lamang ang dadalo sa lamay bilang kinatawan ng Presidente.

“By the way, we reiterate our condolences to the family of VP Leni on the demise of the mother. I’m going there to express our condolences,” sabi ni Panelo.

Nakatakdang lumipad ngayong araw si Panelo papuntang Naga City para sa burol ng ina ng Vice Presidente.

“He (Duterte) wants to go pero ang daming trabaho kasi eh. Since—ako na lang siguro muna,” ayon pa kay Panelo.

Inihayag ni Robredo ang pagpanaw ng ina noong Sabado. Namapayapa ang nanay ni Robredo sa edad na 83 bagamat hindi na binanggit ang kanyang karamdamdaman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending