Kris may hiniling kay Aljur para sa wedding nila ni Perry
KAHIT na hindi madalas magkita at magkasama sa trabaho, napanatili pa rin ng dating magka-loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang kanilang friendship.
Close pa rin ang tinaguriang AlKris noon na sumikat sa StarStruck at sa ilang serye ng GMA. Sa pamamagitan ng social media, ibinandera nina Aljur at Kris ang muli nilang pagkikita.
Pahayag ni Kris, binati niya si Aljur sa bago nilang baby ni Kylie Padilla na si Axl habang nag-congratulate naman sa kanya ang hunk actor sa nakaraang engagement nila ni Perry Choi.
Sa Instagram video ni Kris, hiniling pa ng aktres kay Aljur na sana’y huwag itong mawawala sa kanyang wedding.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Me, congratulating him for his new born prince.
“Him, congratulating me on my engagement and made a promise that he’ll go to my wedding.
“We, getting old.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.