Female star nahuli ni Mommy, may ginagawang milagro sa loob ng kotse | Bandera

Female star nahuli ni Mommy, may ginagawang milagro sa loob ng kotse

Julie Bonifacio - February 25, 2020 - 12:27 AM

KILALA bilang wholesome ang female celebrity na ito. Bata pa lang ay nahulma na ang imahe sa kanya bilang sweet at mabait. Pero marupok pala siya pagdating sa pagibig.

Kwento ng isang showbiz mom (kasamahan dati ng anak niya ang female celeb sa isang talent management), one day ay ipinatawag ang batch ng anak niya at ng female celeb.

Nagulat siya dahil ang topic pala ay para sabihan sila na manahimik tungkol sa isyung kinasangkutan ni female celeb at dyowa ng anak ng head ng talent management.

Nasaksihan kasi ng batch ng female celeb ang naging relasyon nito sa dyowa ng head ng talent management.

At ang pinakamatindi, nahuli mismo ang female celeb ng kanyang ina na kasama ang guy sa loob ng isang kotse! At knows n’yo na kung ano ang ginagawa nila du’n.

Naalarma ang lahat sa talent management dahil nagsisimula nang i-build up ang aktres bilang next big star.

And at the same time, afraid si head ng talent management na baka kung ano rin ang gawin ng anak niya kapag nagpatuloy ang relasyon ng dalawa. E, buntis pa naman that time ang anak niya sa dyowa nito.

So, pinakiusapan ang ibang ka-batch ni female celeb na tumahimik na lang at kapalit nito ang pagbibigay ng projects sa kanila.

Dahil na-caught in the act nga ng ina ang female celeb, simula noon ay mala-Jaworski na ang ginawa niyang pagbabantay sa anak.

Makalipas ang ilang taon, history repeats itself, ika nga. Muling nahuli si female celeb ng kanyang ina sa “eskapong” ginawa niya with her boyfriend.

But this time, wala nang nagawa si mommy at pinagbigyan na ang anak sa gusto nitong mangyari sa buhay niya. Tama ang ina ng female celeb, sobrang ma-in love ang kanyang anak to the point na kaya siya nitong iligwak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending