Susunod na kaya ang kasal ni Maine matapos mag-abay kay Sheena?
Ngayong araw na ito ang launching sa online shopping site ng bagong collaboration ni Maine Mendoza para sa isang global cosmetics brand.
Sa March 1 naman ang launching nito sa cosmetic stores at sa March 3 naman ang celebration ng kanyang 25th birthday.
Bago ang mga schedule ng trabaho, dumalo muna si Meng sa wedding ng kaibigan niyang sa showbiz na si Sheena Halili last Sunday.
Yes, ikinasal na ang Kapuso actress sa abogadong si Jeron Manzanero na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan in and out of showbiz. Ang tanong ng netizens, kailan naman kaya ang kasal nina Maine at Arjo Atayde?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.