Andrea may pakiusap sa publiko para sa mata batang may Down Syndrome | Bandera

Andrea may pakiusap sa publiko para sa mata batang may Down Syndrome

Ervin Santiago |February 23,2020
facebook
share this

Andrea may pakiusap sa publiko para sa mata batang may Down Syndrome

Ervin Santiago - February 23, 2020 - 12:50 AM

ANDREA TORRES AT KAPATID NA MAY DOWN SYNDROME

ALAM n’yo ba kung bakit hindi na nagkaroon ng isa pang kapatid ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres?

Naikuwento ng girlfriend ni Derek Ramsay ang tungkol dito nang mapag-usapan ang kanyang younger brother na may Down syndrome at kung paano nila pinaghandaan ang pagpapalaki rito.

“Actually naaalala ko noong bata ako, ang dami kong questions. Humihiling talaga ako sa parents ko ng kapatid. So, first time ko ring makakita ng ganoon na lumalaki from baby,” simulang pahayag ni Andrea nang mag-guest sa morning show ng GMA na “Mars Pa More.”

“Pero may idea ako, parang…bakit hindi pa siya naglakakad, bakit hindi siya nagsasalita, ‘yung ganoon,” aniya pa. At dahil dito, nag-decide raw ang kanyang parents na huwag nang sundan ang kanyang kapatid.

“Actually noong lumabas siya, nag-decide ‘yung parents ko na ‘wag nang sundan, para talagang lahat ng atensyon namin nasa kanya. Tapos talagang nag-heart-to-heart talk kami para ma-feel talaga namin na may responsibilidad kami forever, na kahit anong mangyari talagang lahat kami kailangang pagtulungan namin siyang alagaaan,” chika pa ni Andrea.

Dagdag pa ng aktres, may autism din ang kanyang kapatid kaya kailangan ng mas matinding pag-intindi, pasensya at pagmamahal. Aniya, sana’y lahat ng tao ay maging aware tungkol sa Down syndrome, “Kailangan talaga kasi hindi ka puwedeng mainis kasi kung ano ‘yung itinuro mo, ‘yun lang naman ‘yung alam nila, eh. Tsaka memorize nila ‘yung araw nila, may routine siya.”

“Kapag mag-i-introduce ka ng bago, kailangan dahan-dahanin mo, tapos kailangan lagi ka ring aware sa katawan niya, sa nangyayari sa kaniya, kasi minsan feeling mo nagta-tantrums lang, may nararamdaman na pala siya, hindi lang niya masabi kasi hindi siya nagsasalita,” sabi pa ni Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending