#Rebelasyon: Alden ibinuking ang tunay na ugali nina Dennis at Jennylyn | Bandera

#Rebelasyon: Alden ibinuking ang tunay na ugali nina Dennis at Jennylyn

Ervin Santiago |February 22,2020
facebook
share this

#Rebelasyon: Alden ibinuking ang tunay na ugali nina Dennis at Jennylyn

Ervin Santiago - February 22, 2020 - 01:00 AM

ALDEN RICHARDS, JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

TODO ang papuri ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa Kapuso power couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Isa si Alden sa mga naging special guest ng DenJen sa kanilang Valentine concert na “CoLove Live” concert nitong weekend. At dito nga niya ibinahagi ang ilang rebelasyon tungkol sa magdyowa.

After ng kanyang production numbers ibinandera ng Pambansang Bae ang kanyang paghanga kina Jen at Dennis, “Tinanong ako, bakit ako andito? Parang ano ba ang silbi ko sa buhay nina Jennylyn at Dennis?

“Pero sabi ko, ‘kasi fan ako, e.’ ‘Di ako fan dahil artista sila, ‘di ako fan dahil magagaling silang aktor at aktres, hindi ako fan dahil magaling silang mag-perform at umawit,” aniya pa.

Dugtong pa ng Kapuso Drama Prince, “Fan ako kasi tao sila. Mabubuti silang tao, witness ako do’n. Nakasama ko sila sa mga proyekto ko sa GMA.”

“Dalawa sila sa mga rare gems ng industriya kaya proud ako na nakasama ko sa concert nila na ‘CoLove.’ So masaya ako na nandito ako ngayon, kasi ginawa ko ‘to para maipakita at masabi ko sa inyo kung gaano silang kabuting tao sa mga artistang tulad namin.

“Saka sana maging inspirasyon sila ng mga tao at ng ibang mga artista na nagsisimula,” papuri pa ni Alden sa Kapuso couple.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending