MAGANDANG araw po sa Aksyon Line.
Ako po si Pilita Dayang. Na diagnosed po ako na may mga nakitang bato sa aking gallbladder.
In-advise po ako na magpa ultrasound kung saan ako nagpa-checkup at nakita nga po na positive sa mga stones.
Agad din po akong nag-second opinion at sinabihan ng doctor na kailangang matanggal ang mga stones sa aking gallbladder.
Ang sabi ng doctor ay kailangan kung mag undergo ng operation o laparoscopic operation ng gallbladder.
Tanong ko lang po kung covered ba eto ng PhilHealth at kung magkano?
Sana po ay masagot ng PhilHealth ang akong katanungan.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Pilita Dayang***REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Natanggap po namin ang inyong email. Sa ilalim ng Universal Health Care, ang lahat ng Filipino ay makakakuha agarang serbisyo ng PhilHealth, kinakailangang accredited ang ospital at doktor at naka-confine sa pay ward ng isang pampublikong ospital, at hindi pa nagagamit ang 45 -benefit day limit.
Mayroong tinatawag na Case Rate kung saan ang kada sakit ay may kaakibat na halaga na binabayaran ang PhilHealth.
Hindi po naidadagdag ang coverage ng isang miyembro sa kanyang pamilya o kaanak.
Upang maberipika po namin ang rekord ninyo, maaaring pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
PhilHealth Identification Number (PIN),
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
Araw at Lugar ng Kapanganakan
Tirahan:
TIN
SSS Number
Employer (present and previous)
Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap ang mga nasabing detalye.
Gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 84417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
Head Office Address: Citystate Centre, 709 Shaw Blvd., 1603 Pasig City, Philippines***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.