RK pasadong BF kay Jane: Mabait, maalaga, may abs pa! | Bandera

RK pasadong BF kay Jane: Mabait, maalaga, may abs pa!

Ervin Santiago |February 20,2020
facebook
share this

RK pasadong BF kay Jane: Mabait, maalaga, may abs pa!

Ervin Santiago - February 20, 2020 - 12:30 AM

JANE OINEZA AT RK BAGATSING

SI Jane Oineza ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay umano si RK Bagatsing at ang girlfriend nito.

Inamin ng Kapamilya actor na wala na sila ng kanyang dyowa at balitang ang leading lady niya sa pelikulang “Us Again” na si Jane ang dahilan ng kanilang break up. May chika na naging mas close ngayon ang dalawa matapos nilang gawin ang bago nilang pelikula under Regal Films.

Pero sa panayam ng Tonight with Boy Abunda kay RK diretsong sinabi ng binata na walang kinalaman si Jane sa break-up nila ng ex-GF at wala ring third party involved.
“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” pahayag ni RK.

Sey naman ni Jane, na-shock din siya na nadadamay siya sa issue ni RK, “Again, once and for all, hindi pa nag­ing kami.” Unang nagkatrabaho ang lead stars ng “Us Again” sa Kapamilya series na “Araw Gabi” noong 2018 na pinagbidahan nina Barbie Imperial at JM de Guzman.

At ngayong pareho silang single, tinuksu-tukso si RK sa presscon ng movie kung ano pa ang hini­hin­tay niya, “Why not? Kahit sino, madaming manlili­gaw dito kay Jane, e. Pare­has ho kam­ing sin­gle.”

Inamin ng aktor na crush talaga niya si Jane, pero mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career ngayon after ng kanyang last failed relationship, “But who knows? Pero siyem­pre ca­reer, lalo na ngayon, ​ayoko na­mang bang­gitin pero wala tay­ong kasig­u­raduhan sa ca­reer natin so ta­la­gang pa­ha­la­ga­han natin.”

Girl­friend ma­te­r­ial din daw si Jane, “Nasa kanya na lahat and I’m sure hindi lang ako ang nagsasabi niyan, madami ding nagkaka-crush kay Jane, Ideal[girl] yan. Siyem­pre, crushie yan.”

At sa tanong naman kay Jane kung boyfriend ma­te­r­ial si RK, “Oo naman. Based sa mga na­pagsama­han namin from Araw-Gabi hang­gang ngayon dito sa Us Again, oo naman. Mabait, maalaga, may abs pa. ​Ha-hahaha! Crushie, hunk, masaya kasama.”

Anyway, showing na ang pelikula nilang “Us Again” sa mga sinehan nationwide simula Feb. 26 sa direksyon ni Joy Aquino. Iikot ang kuwento ng movie sa bawal na pagmamahalan at kung paano magiging biktima nito ang mga karakter nina RK at Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending