Marian: Magagamit ko na ang pagkananay ko sa 'First Yaya' Bandera

Marian: Magagamit ko na ang pagkananay ko sa ‘First Yaya’

Jun Nardo |February 20,2020
share this

Marian: Magagamit ko na ang pagkananay ko sa ‘First Yaya’

Jun Nardo February 20,2020 - 12:20 AM

MARIAN RIVERA

WALA nang urungan ang muling pagsalang ni Marian Rivera sa bagong series niya sa GMA. Ginanap na kamakailan ang story conference ng upcoming show niyang First Yaya.

Si Gabby Concepcion ang makakapareha niya sa serye habang ito naman ang magiging first full length series ni Baeby Baste na humahataw ngayon bilang pinakabatang TV host sa Eat Bulaga.

Todo-pasasalamat nga si Yan sa Kapuso network dahil pinagbigyan ang hiling niyang ayusin muna ang dalawang anak bago simulan ang First Yaya. “Nakatulong din ang pagiging nanay ko ngayon dahil yaya ang role ko na nag-aalaga rin ng bata,” saad ni Yan.

Inulan naman ng congratulatory message ang sweet photo na in-upload ni Gabby sa kanyang Instagram kasama ni Marian.

Ang First Yaya rin ang unang series ni Cassy Legaspi, anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Kabilang din sa cast ang magaling na veteran actresses na sina Pilar Pilapil at Sandy Andolong with Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda and Princess Aguilar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending