Mikael sinira ang tradisyon: Proud sa 'Ragnarok' engagement ring ni Megan | Bandera

Mikael sinira ang tradisyon: Proud sa ‘Ragnarok’ engagement ring ni Megan

Jun Nardo |February 20,2020
facebook
share this

Mikael sinira ang tradisyon: Proud sa ‘Ragnarok’ engagement ring ni Megan

Jun Nardo - February 20, 2020 - 12:15 AM

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ

TINAPOS na ni Mikael Daez ang isyu sa engagement ring na ibinigay niya sa asawa na niya ngayong si Megan Young.

Alam ni Mikael na tradisyunal ang diamonds sa mga engagement ring pero mas importante para sa kanya kung ano ang personal na gusto ni Megan.

Sa totoo lang, mismong ang lola ng Kapuso actor ang nagdisensyo ng singsing na ibinigay niya sa kanyang asawa, si Ameliat Daez na isang kilalang jeweler. Sigurado siyang na-appreciate ng kanyang wifey ang ring lalo pa’t katulad na katulad ito ng isang iceberg stone sa paborito nilang video game na Ragnarok.

Anyway, sa Kapuso series na kinabibilangan ni Mikael, ang Love of My Life, kahanga-hanga ang pakikipagsabayan niya sa pag-arte kay Coney Reyes na gumaganap na nanay niya sa kuwento. Aktingan kung aktingan sila sa serye kabilang na ang mga eksena niya with Tom Rodriguez and Carla Abellana.

This eartly ay kinaiinisan na ng manonood ang maangas niyang karakter sa Love Of my Life, huh! Ibig sabihin lang nito, effective ang pagkokontrabida niya sa harap ng camera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending