SUGATAN ang isang pulis nang sumabog ang mga granadang hinagis ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army sa isang police camp sa Bulan, Sorsogon, kinumpirma ng mga pulis Miyerkules.
Tumanggi ang Sorsogon provincial police na pangalanan ang sugatang pulis, pero sinabi na ito’y miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company.
Apat na granada ang hinagis sa kampo ng 2nd PMFC dakong alas-7:30 ng gabi Linggo, at tatlo sa mga ito ang sumabog, ayon sa provincial police.
Pawang mga nag-iwan ng crater o hukay ang tatlong pagsabog.
Narekober at dinisarma naman ang di sumabog na M26 fragmentation hand grenade.
Mga kasapi ng NPA na pinamumunuan ni Jose Estiller alyas “Hulog-Hulog”/”Maria”/”Lupen”/”Nognog” ang nagsagawa ng pag-atake, ayon sa provincial police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.