Ang pagbabalatkayo ng Simbahang Katolika | Bandera

Ang pagbabalatkayo ng Simbahang Katolika

- February 22, 2010 - 10:05 AM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

ISANG retrato sa front page ng INQUIRER kahapon na ipinakita ang isang madre na may dalang malaking papel sa kanyang harapan at ang nakasulat sa papel ay: “Hindi tayo anak ng jueteng. Lahat tayo anak ng Diyos.”
Ito ay bilang protesta sa pagkapanalo ni dating Board Member Lilia “Baby” Pineda sa Comelec recount ng eleksyon para gobernador ng Pampanga.
Tinalo ni Baby Pineda ang incumbent Gov. Eddie Panlilio, na isang pari, sa recount.
Pinatamaan ng madre ang asawa ni Baby Pineda na si Bong na diumano’y jueteng lord ng Central Luzon.
Eh, ano naman ngayon kung totoong jueteng lord si Bong? Wala namang kinalaman sa jueteng si Baby.
Bakit mo sisisihin si Baby sa kasalanan ni Bong, kung totoo man na si Bong ay jueteng lord?
Ibig bang sabihin ba na kung pumatay ang lalaki ng tao at walang kinalaman ang kanyang asawa, dapat ay ipakukulong din ang babae?
Hindi nakikita ng inyong lingkod na maihahambing ang jueteng sa pagpatay ng kapwa-tao dahil ang sugal ay tinatawag na “victimless crime.”
Walang nabibiktima ang jueteng dahil di naman pinilit ang tao na nagpupusta sa sugal na ito.
Ang naging kasalanan lang ng jueteng ay di ito ginawang legal gaya ng sabong, karera ng kabayo, sweepstakes at mga sugal sa casino.
Walang pinag-iba ang jueteng sa sabong, karera, sweepstakes at mga sugal sa casino.
Ang mali lang sa jueteng ay ang pagsusuhol sa mga politicians and police officials upang di sila hulihin.
Dahil sa jueteng ay maraming politicians at police officials ang naging corrupt dahil sa suhol.
Jueteng per se is not bad. Ang naging problema ay ang panunuhol.
Pero kapag ginawang legal ng gobyerno ang jueteng–gaya ng sabong at iba pang sugal—mawawala na ang panunuhol sa mga corrupt officials.
* * *
Matanong ko lang yung madre na nag-display noong karatula kung saan nakasaad na “Hindi tayo anak ng jueteng.”
Alam mo ba, Sister, kung sinu-sinong mga pari at madre ang dumadalo sa birthday ni Bong Pineda sa kanilang mansion sa Lubao?
Maraming pari at madre ang pumupunta kina Bong at Baby sa kanilang mga kaarawan dahil kaibigan nila ang mag-asawa.
Kung galit ang Simbahang Katolika sa jueteng, bakit maraming kaibigan ang mag-asawang Bong at Baby Pineda sa mga pari’t madre?
Bakit kung tuwing may mga problema ang ilang mga pari at madre tungkol sa pera—gaya ng pag-aayos ng kani-kanilang simbahan at kumbento—ang kanilang madalas nilalapitan ay sina Bong at Baby?
Malaki-laki na raw ang naipamimigay nina Bong at Baby sa Simbahang Katolika in the form of financial assistance.
Kung kasalanan sa Diyos ang pagpusta sa jueteng, dapat ay nagkasala na rin ang mga pari’t madre sa Diyos dahil sa pagtanggap nila ng “jueteng money” para sa kanilang mga simbahan at kumbento.
Bakit hindi na lang alisin ng Simbahang Katolika ang pagbabalatkayo?
Sa wikang English ang tawag diyan ay “hypocrisy.”

BANDERA, 022210

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending