Robin nag-sorry sa ABS, GMA, TV5: Naging mapusok ako | Bandera

Robin nag-sorry sa ABS, GMA, TV5: Naging mapusok ako

Ervin Santiago - February 15, 2020 - 12:20 AM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

Na-bash nang todo si Robin Padilla matapos hamunin ang mga Kapamilya stars na ibandera sa publiko ang kanilang kinikita sa gitna ng mas umiinit pang issue sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi nagustuhan ni Binoe ang mga sympathy posts ng mga Kapuso at Kapamilya stars para sa ABS-CBN kaya hamon niya sa mga ito ilabas ang kanilang network contracts at talent fee at ikumpara sa kinikita ng mga ordinaryong manggagawa.

Narito ang sagot ni Robin sa kanyang haters: “Pabida daw ako sabi ng netizen pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye katunayan ako po ay pinalad na maranasan ang golden era ng movies at television when monopoly is still not the language…

“Masuerte ako na inabutan ko ang mga katulad ni Fernando Poe Jr at Rudy Fernandez mga artistang naging boses ng manggagawa sa sining hindi nga lang maisabatas ang mga negosasyon dahil laging nasa awa lamang ng mga producer nakasalalay maisakatuparan ang napagkasunduan kayat napakapalad ng mga bida sa oras na ito dahil bumagsak sa harapan nila ang usapin at isyu ng ABS-CBN.

“Isang pagkakataon ito na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang pilipino isang ilaw ito sa isang napakadilim na mundo ng showbizness 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yun mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance.

“As a gift to my wife this Valentines Day, I apologize to all her family and friends in ABS-CBN, ganon din sa GMA at TV5, patawarin niyo ako the ex-convict in me overtook my emotions, inaamin ko ang aking pagiging mapusok. I could have said my piece in a spiritual way. Let’s give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers” pahayag ni Robin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending