outbrain

Gobyerno kumurap sa travel ban vs Taiwan

By Bella Cariaso February 14,2020
share this

Gobyerno kumurap sa travel ban vs Taiwan

By Bella Cariaso February 14,2020
share this

KINUMPIRMA ng Palasyo na binawi na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang travel ban na naunang ipinatupad laban sa Taiwan.

“The lifting of travel restrictions for Taiwan has been agreed by the members of the IATF by reason of the strict measures they are undertaking, as well as the protocols they are implementing to address the COVID-19,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Nauna nang inalmahan ng Taiwan ang pagpapataw ng travel sa pagsasabing ito’y may halong politika at hindi dahil sa COVID-19.

Idinagdag ni Panelo na nirerepaso na rin ng IATF kung aalisin na ang travel sa iba pang ban, kabilang na ang Macau.

“The IATF will likewise evaluate other jurisdictions, including Macau, for the possible lifting of the imposed travel ban after their submission of the protocols being observed by their government which prevent potential carriers of the said virus from entering and deporting their territory and enable others to determine the recent travel history of any traveler exiting their borders.” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang isinama ang Taiwan sa listahan ng mga bansang kasama sa travel ban, matapos na ipatupad ang ban sa China, Hong Kong at Macau.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending