outbrain

Matteo muling ibinandera ang pagmamahal kay Sarah: I got you forever!

By Ervin Santiago February 14,2020
share this

Matteo muling ibinandera ang pagmamahal kay Sarah: I got you forever!

By Ervin Santiago February 14,2020
share this

“SANA all!” Yan ang hugot ng mga fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli matapos kiligin sa Valentine message ng aktor para sa kanyang fiance.

Sa pamamagitan ng Instagram, muling ibinandera at ipinagsigawan ni Matteo sa buong universe kung gaano niya kamahal si Sarah.

He also wished his fiancée the best of luck sa gaganaping Valentine concert nito tonight kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum.

Ipinost ni Matteo ang sweet photo nila ni Sarah kung saan kitang-kita ang engagement ring ng kanyang future wife. Nilagyan niya ito ng caption na, “Happy happy valentines my love! I got you forever. Tonight and tomorrow is your night!  

“God bless your show with Ms. @reginevalcasid! It will be AMAZING!” aniya pa.

Pinusuan ito ng mga AshMat supporters kasabay ng kanilang wish na sanay pang-forever na nga ang kanilang pagmamahalan.

Kung matatandaan, inamin nina Sarah at Matteo ang kanilang engagement noong November, 2019 sa pamamagitan din ng kanilang IG posts. 

Wala pang detalyeng ibinibigay ang dalawa tungkol sa kanilang kasal pero ang balita, sa ibang bansa ito gaganapin at piling-pili lamang ang imbitado. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending