outbrain

Sigaw ng bashers kay Regine: Minalas ang ABS-CBN dahil sa ‘yo!

By Cristy Fermin February 13,2020
share this

Sigaw ng bashers kay Regine: Minalas ang ABS-CBN dahil sa ‘yo!

By Cristy Fermin February 13,2020
share this

REGINE VELASQUEZ

NATURAL  lang na maligalig si Regine Velasquez sa bantang pagpapasara sa ABS-CBN, nasa nasabing network ang pinggan nila ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Sa pinag-iinitang istasyon sila nagtatrabaho, du’n napapanood si Regine tuwing Linggo nang tanghali, saan na nga naman siya mapapanood ng kanyang mga tagasuporta kung matutuloy ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa network?

Pero hindi nga lahat ng makakabasa sa kanyang mga tanong at hinaing ay titingnan nang positibo ang kanyang mga sigaw. Si Regine pa naman, isa siya sa mga artistang paboritong i-bash sa social media, palagi rin siyang pinag-iinitan.

Maganda ang layunin ng singer-actress, pero hindi ganu’n ang pananaw ng marami sa kanyang mga pahayag, tulad ng nagkomento na lumipat lang siya sa ABS-CBN ay inalat na ang istasyon.

Parang siya ang pinalalabas ng mga bashers na may hatid na kamalasan sa istasyon, nu’ng dumating lang daw siya nagkaganyan ang Dos, masasakit ang mga iginaganting komento laban sa kanya.

Kung minsan siguro ay naiisip din ng mga artista na huwag na lang silang mag-post ng kahit anong opinyon at pananaw nila sa social media dahil wala silang kawala sa komento ng mga taong walang magawa sa buhay.

Kumanan at kumaliwa man kasi sila ay sapul pa rin sila, may masasabi pa ring masakit sa kanila ang mga bashers, pero kailangang manindigan din ang mga artista.

Nakikipaglaban si Regine Velasquez, hinaharang niya ang pagpapasarado sa kanyang home network ngayon, na dapat lang naman unawain dahil mahal niya at nagmamalasakit siya sa mga kasamahan niyang naglilingkod sa istasyon na mawawalan ng trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending