‘Amboy’ protektor ng ilang business groups | Bandera

‘Amboy’ protektor ng ilang business groups

Den Macaranas - February 12, 2020 - 12:15 AM

MAY secret asset sa loob ng administrasyong Duterte ang grupo ng ilang mga negosyante.
Kilalang “American Boy” o Amboy ang ating bida na siyang tagaharang umano sa proyekto ng ilang grupo na pilit dumidikit sa kasalukuyang pamahalaan.
Ang opisyal na ito rin ang sinisisi ng ilang grupo kung bakit atrasado ang ilang mga infrastructure project ng pamahalaan.
Kabilang sa mga ito ang ilang big-ticket projects sa loob ng Build Build Build program ng gobyerno.
Lately ay napapakinabangan nang husto ang impluwensya ni Sir kaya hanggang ngayon ay hindi napapasimulan ang isang malaking airport project sa bansa.
Ito rin ang dahilan kaya bwisit na bwisit sa kanya ang isa pang opisyal ng gobyerno na proponent ng proyekto.
Ang opisyal na ito rin ang panangga ng isang business clan na kamakailan lang ay nakatikim ng kaliwa’t kanang banat mula kay Pangulong Duterte.
Sinabi ng aking cricket na natural lamang na ipagtanggol ng opisyal ang pamilyang ito sa Pangulo dahil “tuta” siya ng nasabing business clan.
Kahit na hindi kasapi ng security council ay pilit ring nakialam ang ating bida sa desisyon ng Pangulo na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) pero siya’y tinabla ni Duterte kahit na sabihing isa ito sa bright boys sa loob ng Malacanang.
Ang protektor ng ilang business groups na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. D….as in Domestic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending