‘Parasite’ ng Korea humakot ng award sa 2020 Oscars
NAGBUNYI ang buong Asia nang magwagi ang South Korean movie na “Parasite” sa katatapos lang na Oscars, na ginanap sa Dolby Theater sa Los Angeles, California.
Ito kasi ang kauna-unahang Korean film na na-nominate at nanalong Best Picture sa Oscars, na tumatalakay sa relasyon ng dalawang uri ng pamilya: isang mayaman at isang mahirap.
Magandang senyales ito para sa mga Pinoy producers, filmmakers at actors at sa iba pang Asian countries para patuloy na umasa na mapansin din sa international scene lalo na sa Oscars.
Winner din bilang Best Director si Bong Joon Ho para sa “Parasite” bukod pa sa naiuwi nitong Best International Feature Film at Best Original Screenplay para kina Bong Joon Ho at Han Jin Won.
Natalo ni Bong Joon ang direktor ng “1917” na si Sam Mendes na siyang nagwagi sa Directors Guild Awards.
Ang iba pang major winners sa
2020 Oscars ay sina Joaquin Phoenix bilang Best Actor para sa sa “Joker,” at Renee Zellweger bilang Best Actress para sa “Judy” kung saan gumanap siya bilang si Hollywood legend na si Judy Garland.
Si Brad Pitt ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa “Once Upon A Time In Hollywood”, habang Best Supporting Actress naman si Laura Dern for ” Marriage Story.”
Naiuwi naman ng “Toy Story 4” ang Best Animated Feature Film.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.