‘Ok lang maging bading si BILLY, wag lang agad-agad tulad ni BB GANDANGHARI!’
IF plans didn’t miscarry, kahapon umalis si Billy Crawford patungong States para madalaw ang kaniyang mga magulang and hopefully ay matagpuan na niya ang kaniyang sarili.
Siya na rin ang nagsabing he’s lost and confused at nakipaghiwalay pa nga sa girlfriend nitong si Nikki Gil. Nakakaawa ang batang ito dahil sobra raw ang sakit ng iyak niya sa The Buzz two Sundays ago.
Sayang nga at hindi ko iyon napanood. And right after that, with his pronouncements, napakaraming teorya ang naglabasan – maraming haka-haka ang nabasa namin referring to Billy’s sexuality.
Bitin kasi ang mga tao sa pronouncements ng TV host-singer – yung sinabi niyang “I’m lost” and “I’m confused” ay biglang sumabog into a gender issue. Iyan talaga ang hirap pag hindi malinaw ang statement ng isang tao – iba-iba ang nagiging assumption ng mga nakakarinig.
Pero ayon naman sa mga nakakakilala at nakasubaybay sa paglaki ni Billy (including me ha) ay hindi siya bading. Playful lang ang batang ito pero mukhang wala naman kaming nabalitaan in the past tungkol sa kabadingan.
Pero kung halimbawa lang na meron ngang pagbabago sa pagkatao ni Billy – if he decides to join our camp, he is most welcome. Huwag lang siguro ganoon ka-drastic like BB Gandanghari – I guess wala namang isyu.
Pero I doubt that. Balitang sa It’s Showtime ay itinanggi na ni Billy that he is gay. We must respect that. Hindi pa namin batid kung kailan ang balik ni Billy Crawford sa bansa, iyan ay kung natuloy ang pag-alis niya kahapon, ha.
Kasi nga, hindi naman overnight thing ito. He needs lang siguro some time for himself. Kasi nga, masyadong nasubsob sa trabaho ang bata – baka na-stress out kaya kailangan lang niya siguro ng bakasyon para ma-enjoy naman niya ang lost times niya.
Mahirap din kasi for Billy, imagine nagsimula siyang maghanapbuhay since nu’ng bata pa siya hanggang ngayon. Hindi niya masyadong na-enjoy ang childhood niya.
Oo, nandoon na tayo that he has a flourishing career – may pera – pero ang tunay na kaligayahan ng isang bata ang pinaka-tropeo niya.
Baka iyon ang hinahanap-hanap niya. It’s not naman siguro about other things including the kabaklaan aspect – mukhang malayo naman ito sa status ni Billy. Sana nga.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.