PSA: 67 Pinoy namamatay kada araw noong 2018
UMAABOT sa 67 Pilipino ang namamatay kada oras noong 2018, ayon sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority kamakailan.
Ayon sa PSA umabot sa 590,709 ang namatay na Filipino noong 2018 mas mataas ng dalawang porsyento sa 579,237 naitala noong 2017.
“This is equivalent to a crude death rate of 5.6 or about six persons per thousand population,” saad ng PSA. “In 2018, an average of 1,618 persons died daily.”
Patuloy umano ang pagtaas ng bilang ng namamatay sa bansa sa nakalipas na 10 taon maliban noong 2017. Noong 2009, ang namatay ay 480,820.
Noong 2018, ang pinakamataas na bilang na naitala ay sa Region 4A (85,816) at sinundan ng National Capital Region (74,934) at Central Luzon (70,706).
Ang tatlong rehiyon na pinakamababa naman ang naitalang pagkamatay ay Autonomous Region in Muslim Mindanao (3,703), Cordillera Administrative Region (8,576) at Caraga (15,348).
Buwan ng Enero may pinakamaraming naitalang namatay (52,126) at ang pinakakonti at Pebrero (45,236).
Mas marami rin ang namatay na lalaki (337,789) kumpara sa babae (252,920). Ang ratio ay 134 na lalaki ang namamatay sa bawat 100 babae.
Sa bawat 10 namamatay, anim lamang ang nasuri o napuntahan ng health care provider.
Ang infant death o pagkamatay ng bata bago umabot sa edad na isa ay 21,109. Mayroon namang 1,616 registered maternal death o nanay na namatay sa panganganak o komplikasyon ng panganganak.
Ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino noong 2018 ay ischaemic heart disease na sinundan ng kanser, at cerebrovascular disease.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.