Boobay, Tekla nag-audition kay Rachelle Ann; Angelica nabaliw sa TBATS | Bandera

Boobay, Tekla nag-audition kay Rachelle Ann; Angelica nabaliw sa TBATS

Bella Cariaso - February 09, 2020 - 01:10 AM

BOOBAY AT TEKLA

PANG-INTERNATIONAL ang mga eksena tonight sa favorite tambayan n’yo every Sunday night, ang The Boobay and Tekla Show sa GMA 7! Ang International Theater Diva na si Rachelle Ann Go lang naman ang makakasama nina Boobay at Super Tekla sa pre-Valentine episode ng TBATS. Maliban sa ihahatid niyang world-class performance, hahatulan din ni Rachelle ang bonggang audition nina Boobay at Tekla. Makapasa naman kaya sa award-winning Kapuso singer-actress ang gagawing pasabog ng fun-tastic duo? At dahil malapit na nga ang Araw ng mga Puso, hahanapan din nina Boobay at Tekla ng date si Jelai Andres sa segment na “Love Chain Forever.” Sino kaya sa model-actor, basketball player at budding actor ang mapupusuan ng sexy social media personality? Samantala, si Angelica dela Cruz naman ang manggu-good time sa “Pranking in Tandem.” Magpapanggap na baliw ang Kapuso actress at mangingidnap pa ng sanggol. Ano kaya ang mangyayari sa isang aplikante para maging yaya ng bata? Nagbabalik din ang laging trending at favorite segment n’yong “Dear Boobay And Tekla” para sa mga nag-aabang ng love advice ngayong Valentine’s Day! Wala pa ring patid ang laugh trip sa The Boobay And Tekla Show ngayong Linggo, Feb. 9, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending