Beking celebrity sunud-sunod ang pagkatalo; humina na rin ang raket
KILALANG-KILALA ng kanyang mga kasabayang personalidad ang pagiging hard loser ng isang sikat na becki personality.
Hindi niya bukas-loob na tinatanggap ang mga pagkatalo, pikon din siya, dinadaan niya sa patagilid ang kanyang mga sama ng loob.
Pero ang hindi kagandahang kuwentong nakarating sa aming source ay madalas pala siyang nakikita ng kanyang mga katrabaho na palaging nakatingin sa malayo.
Unang chika ng aming source, “Hindi na pala siya bubbly at makulit na tulad nu’n, may mga nakakakita sa kanya na nakatingin lang sa kawalan, samantalang palagi niyang sinasabing maligayang-maligaya siya ngayon dahil sa kanyang karelasyon!
“Ibang-iba na raw ngayon si ____ (pangalan ng sikat na becki personality), dinaramdam na siguro niya ang mga kakaibang nangyayari sa career niya ngayon.
“Sunud-sunod naman kasi. Olats ang movie niya, titigukin pa ang isang show niya, tapos, wala nang masyadong kumukuha sa kanya para mag-show sa ibang bansa!” namamanghang kuwento ng aming impormante.
Kilalang-kilala siya ng kanyang mga dating kasamahang komedyante, hindi siya papayag na may makatatalo sa kanya, naging ugali na niya ang ganu’n kahit nu’n pa man.
Patuloy na chika ng aming source, “Naku, magaling lang siyang magdala, pero wala siyang maitatago sa mga taong dati niyang nakakasama sa trabaho. Pikon siya!
“Matindi sa kanya ang dating ng pagkatalo. Hindi niya carry ang mga ganu’n dahil ang feeling niya, e, walang kahit sinong makakakabog sa kanya!
“Sunud-sunod ang hindi magagandang senaryo sa career niya. ‘Yung mga hinahawakan niyang position dati, e, naagaw na sa kanya!
“Wala na ring sumusugal para sa mga shows niya sa ibang bansa dahil palaging lugi ang mga producers sa mga huling concert niya. Napakalaki na kasi ng talent fee niya, e, wagas pa ang entourage niya!
“Olats ang mga producers niya! Napakalaki ng lugi kapag siya ang kinukuhang bida sa mga concert! Naku, kailangan nang paghandaan ng becki personality na ‘yun na tulal naman, e, yayamanin na siya, pababa na talaga ang popularity niya.
“Walang forever, di ba naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio! Hindi palaging maganda ang klima!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.