NIYANIG ng magnitude 3.2 lindol ang Batangas kahapon ng umaga.
Naramdaman ang lindol alas-4:20 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter nito ay dalawang kilometro sa kanluran ng Laurel. May lalim itong 10 kilometro.
Ang lindol ay nagdulot ng Intensity IV sa Laurel at Agoncillo. Intensity III sa Lemery Batangas at Intensity II sa Tagaytay City.
Nagpapatuloy sa pagbuga ng usok ang Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nagbuga ng “dirty-white to white steam-laden plumes” ang bulkan sa nakalipas na 24 na oras hanggang Lunes ng umaga. Ang pinakamataas ay umabot ng 800 metro.
Nakapagtala naman ng 134 volcanic earthquake sa mula Pebrero 2 hanggang 3 ng umaga.
Nananatili ang Alert Level 3 sa Taal Volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.