Rocco: Masuka-suka kami sa tindi ng military training!
MASUKA-SUKA sa sobrang hirap at pagod ang Kapuso actor na si Rocco Nacino nang sumailalim sa military training under Special Action Force (SAF) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y para sa role niya bilang Wolfe sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun na malapit nang mapanood sa GMA 7.
Sa mediacon ng bagong Kapuso series, ipinakita sa audio visual presentation ang pinagdaanang hirap ng ilang members ng cast na gaganap na sundalo, kabilang na nga si Rocco at ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na gaganap naman bilang si Big Boss.
“Grabe! Buwis-buhay talaga. Masuka-suka kami sa mga ipinagawa sa amin! Nilulunok ko na lang! Ha! Ha! Ha! ‘Yung suka!” simulang kuwento ng Kapuso hunk actor.
“’Yung second day namin wake up kami ng 3 a.m.. Twenty one exercises ng 4 a.m.. Kukuha kami ng 21 kilo rock sack at itatakbo namin ng 10 kilometers at saka kami kakain. Ganu’n katindi ang training.
“Sa totoo lang, medyo sumuko ako! Ha! Ha! Ha! Pero binubulong ko na lang. Humihingi ako ng cellfone para sabihing ayoko na po! Ha! Ha! Ha! Pero dahil sa pangyayari na ‘yon nabuo ang Alpha team! Solid!” kuwento pa ni Rocco.
Siya ang love interest ni Jasmine Curtis-Smith sa DOTS at nagpapasalamat siya sa dalaga dahil napaka-generous nito pagdating sa akting. Nakakahugot siya nang malalim sa mga drama moments nila sa serye.
Sa ginanap na mediacon, pinanood ng media at mga opisyal ng AFP ang first episode ng DOTS kung saan nagpakilig agad si Dingdong at ang leading lady niyang si Jennylyn Mercado. Pagkatapos ng screening palakpakan ang military officers and staff na dumalo sa presscon at puring-puri ang mga action scenes ng grupo ni Dong!
Magsisimula na sa Feb. 10 ang Pinoy version ng Descendants of the Sun kapalit ng The Gift ni Alden Richards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.