Dingdong kay Jennylyn: Ay grabe! Nagulat kaming lahat... as in wow! | Bandera

Dingdong kay Jennylyn: Ay grabe! Nagulat kaming lahat… as in wow!

Ervin Santiago - February 01, 2020 - 12:05 AM
    DINGDONG DANTES AT JENNYLYN MERCADO

IN FAIRNESS, may kakaibang karisma at magic din ang tambalan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng Korean hit series na Descendants of the Sun na mapapanood na simula Feb. 10 sa GMA Telebabad.

Napanood namin ang pilot episode ng DOTS (The Philippine Adaptation) kamakalawa sa ginanap na grand mediacon ng serye at masasabing hindi nagkamali ang mga bossing ng GMA na ibigay kina Dong at Jen ang nasabing proyekto dahil swak na swak sa kanila ang mga iconic characters na sina Captain Lucas Manalo at Dr. Maxine dela Cruz.

Ayon kay Dingdong, maganda ang working relationship nila ni Jennylyn. Malaki raw ang naitulong ng pagsasama nila noon sa Starstruck bilang hosts para mas maging komportable sa isa’t isa.

Kumusta bilang leading lady si Jen? “Ay grabe! Ang daming baon. Minsan ginugulat niya kami sa set sa kanyang mga tricks. Kasi ‘di ba, kilala si Jennylyn talaga sa pagiging napakahusay sa rom-com. And first time ko, first-hand na makasama siya sa ganito.

“Siyempre sa TV ko lang nakikita at sa mga movies. Pero ‘yung ‘pag live niya na ginagawa ‘yung mga tricks, e nagugulat kami. May isang take, tapos ginawa niya ‘yung sa original, kung papaano ‘yung ginawa nu’ng original.

“Nu’ng pangalawang take, mayroon siyang ibang ginawa. So, nagulat kami, parang wow! So may mga ganu’ng baon everytime. These things we appreciate kasi du’n nga lumalabas ‘yung tinatawag na Pinoy flavor. In her case, she gave it a Jennylyn flavor which I think is very very much appropriate,” tuluy-tuloy na pahayag ng award-winning actor.

Sa mga hindi pa pamilyar sa kuwento ng Descendants of the Sun, this is about the epic love story between a Special Forces captain (Lucas Manalo or Big Boss) and a doctor (Maxine dela Cruz) which tracks both their personal and professional struggles, while exploring issues about the value of life as they face battles disasters, and other dangers.

Sabi naman ni Jennylyn, malaking tulong ang pagiging host nila sa huling season ng StarStruck para maging magaan ang loob nila sa isa’t isa, “Dahil po may foundation kami, ‘yung friendship naman. Nagkasama kami sa Encantadia ‘tapos nag co-host po ako sa StarStruck.

“Malaking tulong ‘yung StarStruck bago magsimula ‘yung Descendants of The Sun kasi kahit papaano mayrun kaming chance na magkamustahan man lang, di ba? Kasi, mas okay na may pambungad muna bago sumabak sa isang show,” aniya pa sa tambalang DongJen.

* * *

Samantala, bilang isang Filipino, nais ni Dingdong na magkaroon ng realization ang mga manonood ng DOTS na may mga sundalong naglalaan ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng bawat isa sa atin, “May mga taong nagsasakripisyo ng buhay nila for our safety para mabuhay tayo nang payapa, para mabuhay tayo nang komportable.

“Most of the time, these people are not heard and also not seen. These are what we call the unsung heroes. And by giving a story like Descendants of the Sun, naha-highlight yung point of view nila using a very beautiful love story.

“Bukod sa kanilang dedikasyon sa bayan at serbisyo, nandoon din ang conflict na, ‘Ano yung uunahin ko, yung pangako ko sa bandila o yung pag-ibig?'” dugtong pa ni Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa DOTS sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Andre Paras, Chariz Solomon, Renz Fernandez, Antonio Aquitania, Neil Ryan Sese, Carlo Gonzalez at marami pang iba, sa direksyon ni Dominic Zapata. Mapapanood na ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa Feb. 10 sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending