Stradcom pasok na naman sa LTO, bakit kaya? | Bandera

Stradcom pasok na naman sa LTO, bakit kaya?

Ira Panganiban - January 31, 2020 - 12:15 AM

Nabalitaan naming na muling nakabalik sa Driver’ License processing program ang data company na Stradcom, matapos na sila ay palayasin ng kasalukuyang administrasyon dahil sa masamang serbisyong binibigay nila.
Dati kasi, ang pagkuha ng driver’s license ay napakahirap at masalimuot na naging dahilan para mamayagpag ang mga fixer sa Land Transportation Office o LTO na hawak ng Stradcom. Subalit nang makuha ng isang German company, ang Dermalog, ang kontrata sa paggawa ng driver’s license natin, sa isang iglap ay maaari mo na makuha ang lisensiya mo sa loob lang ng isang oras, lalo na kung idadaan mo sa online appointment system.
Pero nabalitaan ko ngayon lang na muling pinayagan ng LTO na pumasok ang Stradcom sa driver’s license process at kunin ang ilang security features nito. Ngayon may ilang security features na mawawala tulad ng facial recognition dahil sa pagsingit ng Stradcom sa proseso.
Hindi ko naman maintindihan sa LTO kung bakit kailangan pa nilang gawin ito? Ano ba ang hawak ng Stradcom sa kanila at hanggang ngayon ay parang akay-akay pa rin ng LTO ito at pilit na binibigyan ng negosyo kahit patuloy na palpak ang teknolohiya at serbisyong binibigay nila sa mamamayan. Kung susuriin mo, parang gustong-gusto ng mga taga-LTO na maghirap ang taumbayan gamit ang serbisyo ng Stradcom, imbes na bayaan na lang ang Dermalog sa ibinibigay nitong maayos na serbisyo.
Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ni LTO Director Edgar Galvante sa bagong galaw ng Stradcom at LTO na ito. Kilala kong marangal at maayos na opisyal si Galvante simula noong makilala ko siya sa PNP may dalawang dekada na ang nakakaraan.
Baka naman nalulusutan siya ng mga bata niya sa LTO. Baka may malaking dahilan na umagos sa mga palad kaya ipinilit nila isingit ulit ang isang lumang sistema sa makabagong teknolohiya na magiging sanhi ulit pagbagal at paghirap ng pagkuha ng drivers license sa bansa.
Nakakalungkot kung ganoon, dahil napahusay na ni Galvante ang imahe ng LTO. Isa na ito sa mga hinahangaan at nirerespetong ahensiya ng pamahalaan dahil nagawa nilang ayusin ang problema nila na nagpagaan sa serbisyo sa taumbayan. Sayang naman kung babalik lang tayo ulit sa dating bulok na sistema.
***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending