MAY nakaabang na livelihood at cash assistance sa mga repatriated at qualified overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan. Tiniyak ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng labor department kasunod ng desisyon ng pamahaaln para sa repatriation ng mga OFWs na nagtatrabaho sa Middle East bunsod ng alitan sa pagitan ng US at Iran
Nito lamang January 15 ay nagsimula
na ang pagpapauwi ng mga OFWs mula sa Middle East makaraang ideklara ang alert level 4 o mandatory repatriation dito.
May kabuuang 1,640 OFWs, documented at undocumented ang kasalukuyang nasa Iraq, 847 sa Baghdad, 655 sa Erbil, at 148 sa Sulaymaniyah. Maliban sa livelihood assistance, ang mga repatriated OFWs ay makatatanggap ng P20,000 para sa aktibong OWWA members at P10,000 sa mga non-active members. Bukod pa rito, binibigyan din ng airport and transportation asistance ang mga umuuwing OFWs galing sa mga nasabing bansa. Ang hakbang ng gobyerno para pauwiin ang mga Filipino worlers sa Middle East ay makaraang ideklarang mandatory repatriation bunsod na rin ng US-Iran conflict.
Ang pagdeklara ng alert levels ay bunsod ng banta sa mga travellers o ng mga OFWs sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan
Ang DFA ay mayroong 4 na alert level Alert Level 1 (Precautionary Phase)
Alert Level 2 (Restriction Phase)
Alert Level 3 (Voluntary Repatriation Phase)
Alert Level 4 (Evacuation/Mandatory Repatriation)
#Paul Ang
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.