Mayor sa Central Luzon balak i-’people power’ | Bandera

Mayor sa Central Luzon balak i-’people power’

Den Macaranas - January 29, 2020 - 12:15 AM

TUMATAGINTING na P600 milyon ang balak utangin ni Mayor para maipatayo ang modernong palengke sa kanilang lugar.
Walang masama sa gagawin ng alkalde, pero maraming kilay ang tumaas dahil sa multi-million-peso na balak ng kanilang lider. Masyado raw mahal ang nasabing halaga kung ikukumpara sa nakaumang na disenyo sa kanilang pipeline.
Bukod dito ay nagdadalawang-isip rin ang ilang mga bangko na magpautang sa grupo ni Mayor dahil sa laki ng asking price nito.
Bukod dyan ay bulung-bukungan rin sa apat na sulok ng city hall na kailangan ng alkalde na maisulong ang proyekto dahil naikompromiso na raw ito sa ilang grupo.
Ang ibig sabihin ay tiyak na ang hatiaan sa pondo bukod pa sa ulat na nai-advance na raw ang bahagi nito noon pang nakalipas na eleksyon.
Kapuna-puna rin na tahimik ang mayorya ng kanyang konseho dahil ang chika nga ay nalagyan na raw diumano ng malaking halaga ang mga ito, ayon pa sa aking cricket.
Nagbanta rin ang ilang mamamayan sa kanilang lugar na baka magkaroon sila ng sariling bersyon ng “Edsa People Power” kapag ipinilit ang nasabing proyekto sa ganoon kalaking halaga.
Hinamon pa nila ang grupo ni Mayor na hayaan ang Department of Public Works and Highways na dumiskarte sa proyekto para mas maging transparent ito.
Idinagdag pa ng aking cricket na kilala ang administrasyon ni Mayor sa pagpapatayo ng malakihang proyekto na kadalasang ginagamit sa pamumulitika bukod pa sa alam nilang marami rito ang kumita.
Nasa Central Luzon lang ang lugar ni Mayor na tatawagin natin bilang Mr. E…as in Ebon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending