24 pasyente minomonitor dahil sa novel coronavirus-DOH
SINABI ng Department of Health (DOH) na 24 na pasyente ang minomotor dahil sa novel coronavirus o 2019-nCoV.
Sa isang press conference, idinagdag ni Health Secretary Francisco Duque III na inisyal na 22 pasyente ang binabantayan dahil sa 2019-nCoV.
Bagamat sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na ganap na ala-1:30 ng hapon, nadagdagan ang mga patient under investigations (PUIs) ng lima matapos maiulat ang karagdagang PUIs sa National Capital Region.
“As of 1:30 p.m. [an] additional five PUIs are in Metro Manila PUIs. We have now 27 persons under investigation in the Philippines,” sabi ni Domingo.
Idinagdag ni Domingo na hindi isasapubliko ang lokasyon ng mga PUIs para sa kanilang seguridad.
Sinabi pa ni Domingo na karamihan ng mga PUIs ay mula sa China kung saan may kumpirmado nang mga nasawi.
“There are no Filipino nationals at this time. Most of them are Chinese nationals,” ayon pa kay Domingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.