Julia Montes, Arjo Atayde magsasama sa ‘24/7’
CONFIRMED! Magsasama nga sa isang serye sina Julia Montes at Arjo Atayde.
Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawang Kapamilya stars sa isang teleserye kaya naman mas lalong na-excite ang kanilang mga fans.
Ito siguro ang proyekto ni Arjo na nabanggit sa amin ng kanyang inang si Sylvia Sanchez pero ayaw niya munang sabihin dahil baka mausog.
Minsan kasi kahit na nai-announce na ang cast ng teleserye ay nababago pa rin at napapalitan kapag nagsimula na ang taping.
Nauna nang napabalita ang pagbabalik-telebisyon ni Julia at ito’y mangyayari nga sa teleseryeng “24/7” na very soon ay magsisimula nang mag-taping.
Ang action-drama series na ito ay mula sa Dreamscape Entertainment na siya ring nasa likod ng FPJ’s Ang Probinsyano at The General’s Daughter.
Bukod kay Arjo, kasali rin sa “24/7” sina Edu Manzano, Pen Medina, Joem Bascon, Meryll Soriano, Anna Luna, Melissa Ricks, Matt Evans, Alora Sasam, JC Santos, Benj Manalo at marami pang iba.
Ang “24/7” ang magsisilbing comeback project ni Julia matapos ang halos isang taong pamamahinga sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.