Ruffa 'napa-OMG' nang makita ang anak ng ex-dyowang nakakulong | Bandera

Ruffa ‘napa-OMG’ nang makita ang anak ng ex-dyowang nakakulong

Bandera - January 26, 2020 - 01:00 AM

FAITH DA SILVA AT RUFFA GUTIERREZ

Pang-beauty queen na ang aura ng Kapuso actress na si Faith da Silva, ang anak ng dating matinee idol na si Dennis da Silva na nakakulong pa rin ngayon dahil sa iba’t ibang kaso.

Sa nakaraang presscon ng bagong Kapuso series na “Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday” kung saan gaganap na kontrabida si Faith, muli siyang natanong kung handa na ba niyang dalawin si Dennis sa kulungan. Two years old pa lang siya noong maghiwalay ang nanay niya at si Dennis at taong 2002 naman nakulong ang aktor sa Pasig City Jail at sa loob ng 17 years ay hindi pa sila nagkikitang mag-ama.

“Parang hindi pa, pero parang malapit na malapit na,” ani Faith. Feeling niya kaunting panahon na lang at handa na siyang makaharap ang ama na talagang ikinahihiya niya noong bata siya dahil nga sa pagkakakulong nito.

“Eversince hindi naman po talaga kami nagkita. Pero nagkakausap po, text-text. Pero siyempre hindi rin naman, wala naman akong plano na hindi ko siya makita. Of course, tumatanda na rin po ’yong tatay ko. Since tatay ko siya, mahal ko siya, sa kanya ako nanggaling, gusto kong mag-build ng relationship. Siguro hinihintay ko lang po ’yong time na maging ready na talaga ako 100 percent,” paliwanag ni Faith na umaasang malapit na ring makalaya ang ama.

Samantala, naikuwento rin ng dalaga ang pagkikita nila ni Ruffa Gutierrez, na naging girlfriend noon ni Dennis, “Opo. Opo. Nag-taping ako for Dear Uge one time. And then, sinabi po sa akin ni

Direk Mark (Sicat, direktor din ng Anak Ni Waray), ‘Huwag mo munang sabihin na ikaw yung ano, ha, anak ni Dennis.’ Sabi ko, ‘OK po.’

“Tapos, noong gabi na, before kami ma-pack up, sabi ko, ‘Hello po, Miss Ruffa. Ako po, ahhm, I’m the daughter of Dennis da Silva.’ Gulat na gulat siya. Sabi niya, ‘Oh my God! Nakakaloka ka!’

“Sabi niya, ‘Mag-picture nga tayo dito!’ Tapos, nag-picture kaming dalawa. Sabi niya, kamukhang-kamukha ko nga raw si Papa,” kuwento pa ni Faith.

Proud naman daw ang papa ni Faith sa pagpasok niya sa showbiz, at updated daw ito sa nangyayari sa kanya.

Samantala, super grateful and thankful si Faith sa GMA dahil nakasama siya sa “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” na magsisimula na ngayong Lunes sa GMA Telebabad kapalit ng Beautiful Justice. Dito gaganap siyang kontrabida kina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung bibigyan daw siya ng chance na makapagbida, gustung-gusto niya raw ang mala-Marimar na role at posible rin daw siyang mag-join ng beauty pageant in the future.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending