‘Cupid Maja’ magtagumpay kaya sa plano niya kina Janella at Joshua?
Kumakalat na ngayon sa social media ang kilig moments nina Janella Salvador at Joshua Garcia.
May ilan kaming nakitang photos sa social media where it caught Janella and Joshua’s sweet moments together.
“JOSHNELLA OFFICIAL IG TV EP 2: JoshNella Kilig Moments at Thanksgiving Party”.
‘Yan ang caption sa isang Instagram post kung saan kitang-kita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.
Teka, hindi kaya ito ang dahilan kung bakit in-unfollow ni Julia Barretto sina Janella at Joshua sa social media?
Anyway, mukhang naging malalim ang friendship nina Joshua at Janella after doing The Killer Bride.
In fact, tinutukso-tukso ni Maja Salvador ang dalawa. Maging successful kaya siya sa pag-play ng cupid sa dalawa?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.