Daniel ayaw makialam sa lovelife ni Karla: Importante masaya ermat ko!
MUKHANG unti-unti na ring natatanggap ni Daniel Padilla ang non-showbiz boyfriend ng kanyang inang si Karla Estrada.
Kung noon ay todo-iwas ito kapag natatanong tungkol sa dyowa ni Karla na si Jam Ignacio, ngayon ay sumasagot na ang binata kahit paano.
Sa isang panayam, natanong ang boyfriend ni Kathryn Bernardo kung tanggap na niya si Jam bilang bagong partner ng ina niya.
“Basta ang masasabi ko lang, ang importante sa akin, masaya ang ermat ko,” tugon ni DJ. Bilang anak, happy siya na maligaya ngayon si Karla sa lovelife nito.
“Hindi kasi ako masyadong nakikialam doon. Ang mahalaga kasi masaya siya sa nararamdaman niya pero sabi ko nga, alam naman niya na bantay-sarado siya sa akin,” ang may himig pagbabanta pang chika ni Daniel.
Dugtong pa ng Kapamilya actor, “So I’m just happy for her now dahil masaya siya at maganda ang mood niya palagi, at ‘yun ang importante.”
Kung matatandaan, pormal na ipinakilala ni Karla sa madlang pipol ang si Jam Ignacio bilang bago niyang boyfriend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.