Bela sa pagkabog ni Aga kay Vice sa 2019 MMFF: Pana-panahon lang 'yan | Bandera

Bela sa pagkabog ni Aga kay Vice sa 2019 MMFF: Pana-panahon lang ‘yan

Reggee Bonoan - January 23, 2020 - 12:01 AM

“Weather-weather lang talaga ‘yan!” Ito ang paniniwala ni Bela Padilla sa pagiging top-grosser ng “Miracle In Cell No. 7” sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Nahingan ng reaksyon ang dalaga sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula, ang “On Vodka, Beers, and Regrets” tungkol dito, lalo na sa isyu na sila ang nakakabog sa pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis sa 2019 MMFF.

“Pana-panahon lang ‘yun. I was also very happy with Vice kasi ilang years siyang undefeated. But again, it’s a film festival to entertain the masses on Christmas day, so I think it shouldn’t be taken too seriously.

“Also, before Vice, mayroon din siyang predecessor na taun-taon ding number one. So feeling ko pana-panahon lang din. And panalo talaga dito ay Viva Films kasi parehas pong Viva Films,” magandang paliwanag ni Bela na siyang nakakasama ngayon ni Vice sa ilang segments ng Kapamilya noontime show na Showtime.

Samantala, todo na ang pagpo-promote ng aktres sa bago niyang pelikula under Viva Films pa rin, ito ngang hugot movie na “On Vodka, Beers, and Regrets” kung saan muli niyang makakasama ang ka-loveteam na si JC Santos.

Aniya, siguradong maraming makaka-relate sa kuwento ng pelikula dahil tatalakayin dito ang mga challenges na hinaharap ng mga taong alcoholic o may kaparehong kondisyon.

“Actually si Direk Irene nag-interview siya ng real-life recovered alcoholic bago kami magstart mag-shoot. And lahat ng notes niya binigay niya sakin kasi ayaw nating gumanap ng mali and ayaw natin maglabas ng false information. Very thoughtful yung pagsulat ni Direk dito,” ayon kay Bela.

Showing na ang “On Vodka, Beers, and Regrets” sa Feb. 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending