Jiro 3 beses hinampas ng helmet sa ulo; ipinagtanggol ng dyowa sa bashers | Bandera

Jiro 3 beses hinampas ng helmet sa ulo; ipinagtanggol ng dyowa sa bashers

Jun Nardo |January 21,2020
facebook
share this

Jiro 3 beses hinampas ng helmet sa ulo; ipinagtanggol ng dyowa sa bashers

Jun Nardo - January 21, 2020 - 12:33 AM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nakakulong pa rin ang dating child actor na si Jiro Manio matapos sampahan ng kasong frustrated homicide.

Kahapon, inilabas na sa publiko ang CCTV footage kung saan makikita ang gulong nangyari sa pagitan ni Jiro at ng lalaking si Zeus Doctolero. Makikita sa CCTV camera ng Barangay San Roque sa Marikina City na naglalakad si Jiro sa nasabing kalye.

Sa ulat ng Marikina Police, natakpan ng puno ang kuha ng CCTV pero doon umano hinampas ng helmet ni Doctolero si Jiro kaya nagkaroon ng away. Isang saksi ang nagsabi na tatlong beses hinampas ng helmet ang aktor.

“Nakaupo ako doon sa bangketa, nakita ko may commotion diyan. Akala ko noon hindi ko kilala, ‘yun pala si Jiro,” pahayag ng isang saksi sa report ng GMA News.

Nagsalita na rin ang kinakasama ni Jiro na si Karen Macalino tungkol sa insidente at sinabi niya na ipinagtanggol lang ng aktor ang sarili. Matagal na raw nagbago si Jiro, sa katunayan may mga projects na raw itong gagawin ngayong buwan.

“Siya mismo ang nag-volunteer na magtrabaho sa karinderya dito lang malapit sa bahay namin para daw makatulong sa amin,” pahayag pa ng partner ni Jiro sa nasabing panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending