Digong inimbitahan ni Trump para dumalo sa US-ASEAN Summit sa Amerika
INIMBITAHAN si Pangulong Duterte ni US President Donald Trump para dumalo sa United States-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Amerika.
Bukod kay Duterte, inanyayahan din ni Trump ang siyam na iba pang lider ng ASEAN.
Nakatakda ang Summit sa Marso 14, 2020 sa Las Vegas.
Ayon sa Malacanang, ibinigay ang imbitasyon sa ASEAN Summit and related summits sa Bangkok noong Nobyembre.
Muli itong inulit ng US sa isang sulat na may petsang Enero 9, 2020.
Wala pang bagong kumpirmasyon sa Palasyo kung dadalo si Duterte sa Summit.
“No official info on that,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvado Panelo.
Matatandaang nagpalabas ng ban ang US sa mga opisyal na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.