Zsa Zsa nadamay sa galit ng bashers kina Ai Ai at Luis | Bandera

Zsa Zsa nadamay sa galit ng bashers kina Ai Ai at Luis

Ervin Santiago - January 19, 2020 - 12:52 AM

ZSA ZSA PADILLA

NADAMAY si Divine Diva Zsa Zsa Padilla at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa galit ng bashers nang kampihan nila si Luis Manzano sa isyu ng pagtulong sa Taal victims.

Unang nag-post ng mensahe si Ai Ai sa kanyang social media account para kampihan si Luis sa sinabi nitong hindi kailangang ibandera sa publiko ang ginagawang tulong sa kapwa.

“Bravo luis [clapping emojis]… isa sa pina ka generous at nakaktawa at mabait na tao sa industriya .. pinalaking tama ng idol kong si ate Vi.

“Minsan d kailngan ilagay sa social media ang mga itinutulong .. kung gusto pwedeng ilagay para mainspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na tumutulong —-yung iba its bet GOD and sa sarili nya..

“(Pero kung hind man mag post wag isipin na hindi agad tumutulong mga nagiisip ng ganun mag reality check sa sarili …tanungin bago mag click AKO BA MAY NAITULONG?

“Salamat luis and sa lahat ng artista at mga KABABAYAN naten na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan taal .. ako ba tumulong??? Secret [laughing emoji].”

Nagkomento naman si Zsa Zsa sa post ni Ai Ai ng, “Amen to that.” Na sinagot ng isang netizen ng isang tanong.

Kinuwestiyon niya ang singer-actress kung ito ba’y nakatulong na sa Taal evacuees, sabay sabing, “Eh ang taray mo nga sa fans.”

Hindi ito pinalampas ni Zsa Zsa at talagang tinalakan ang netizen. Aniya, “I guess you are not my fan kasi di mo ako kilala para mo ako masabihan ng ganyan.

“And again, Di porke’t hindi nag post eh hindi tumulong. Di ko kailangan ng proof, dear. Read Matthew 6:1-4.”

Ang tinutukoy na Bible verse ng Divine Diva ay ang tungkol sa pagtulong sa kapwa nang hindi na ipinangangalandakan pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing, so that your giving may be in secret. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you,” bahagi ng nasabing Bible verse.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending