Regine vs Regine sa 'My Single Lady' ni Jodi; Call Me Tita, Mga Batang Poz may part 2 na | Bandera

Regine vs Regine sa ‘My Single Lady’ ni Jodi; Call Me Tita, Mga Batang Poz may part 2 na

Ervin Santiago - January 19, 2020 - 12:37 AM

  

Umiikot sa pag-ibig at pamilya ang mga kwentong bubuksan ng iWant sa pagsisimula ng 2020 sa mga bagong handog nitong serye tampok ang love triangle nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Zanjoe Marudo at ang mapait na love story nina Khalil Ramos at Elisse Joson ngayong Enero.

Siguradong makaka-relate ang marami sa umaapaw sa hugot at kasawian sa bagong seryeng “Ampalaya Chronicles,” kung saan bumida sina Khalil at Elisse sa pilot episode. Base ito sa sikat na spoken word poetry na “Ampalaya Monologues” at nagsimula na last Friday.

Kilig, saya, at drama naman ang hatid ni Jodi bilang isang single mom na mahihirapang mamili kina Ian at Zanjoe sa “My Single Lady,” na ipapalabas simula Enero 22 kung saan tampok din ang  Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Siya ang gaganap na nanay ni Jodi at impersonator ng sarili niya.

Samantala, mapapanood na rin sa isang upuan ang original series na “Ang Babae sa Septic Tank 3” starring Eugene Domingo sa panibagong movie cut nito na available na rin ngayon sa iWant.

Ilang panibagong tambalan naman ang dapat na abangan sa original iWant series ngayong 2020, tulad ng “I AM U” nina Julia Barretto at Tony Labrusca, “I” nina Zanjoe Marudo at Lovi Poe, “The Tapes” nina Yassi Pressman at Sam Milby, at ang “Sunday Night Fever” nina Nathalie Hart at Diether Ocampo.

Pagkatapos naman ng second season ng “Bagman” series, dudugtungan din ng iWant ang pakikipagsapalaran ng mga minahal na karakter sa star-studded na “Call Me Tita” at HIV advocacy series na “Mga Batang Poz,” na parehong magkakaroon ng ikalawang season. Abangan ang mga kapanapanabik na originals na ito sa iWant app o sa iwant.ph.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending