Cavite isinailalim na sa state of calamity sa harap pagsabog ng Bulkang Taal
ISINAILALIM ang buong Cavite sa state of calamity dahil sa epektong dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagpasa ng resolusyon ang provincial board ng Cavite ng resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lalawigan.
Libo-libong residente mula sa Batangas at Cavite ang inilikas matapos na itaas ng mga otoridad ang alert level 4 sa Bulkang Taal.
Nauna nang idineklara ang state of calamity sa Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending